Wednesday, June 02, 2004

Conversations of a Gay couple

One: So, I visited your Friendster, who is Kenji?
Two: Oh, he was just a friend.
One: Sino yun? Ba't ngayon ko lang narinig? Hindi ba siya yung naka-chat mo nung Sunday? Noong nag-away tayo?
Two: Hindi siya yun, kasi taga-Makati yung nakausap ko eh..
One: Yung binigyan mo ng email add? saka Friendster mo?
Two: Hindi ko binigay yung email ko, ok?
One: Eh di ba, once you give your friendster account, you're also gonna give out your e-mail?
Two: Oo nga. Eh titingnan lang naman nya yung picture ko eh. Saka yung Kenji, friend namin yun before.
One: Eh nasaan na sya ngayon?
Two: Ewan ko, nakita ko lang yun sa account ni M. So in-invite ko.
One: Bakit mo pa kailangan i-invite?
Two: Kasi nga, kilala ko naman sya.
One: Me nangyari ba sa inyo?
Two: Ano ka ba, bakit ko papatulan yun eh masama ugali nun? Saka hindi na ganun ang hitsura nya ngayon, dati gwapo pa sya. Tapos dati, me kumalat na me balitang me sakit sya, STD.
One: So you mean, you find him attractive then?
Two: Hindi naman ganun ang sinasabi ko ah? Insecure ka ba dun sa tao?
One: Hindi, I just wanna know who he is, that's all. Bakit ka nagagalit?
Two: Sino bang hindi? Eh sobra ka kung makapagtanong. Kakilala ko lang naman yung tao.
One: Close ba kayo?
Two: Hindi.
One: Oh, bakit mo pa kailangan invite?
Two: Kasi nga di ba? Bakit ganun, kapg ikaw nag-eexplain, madali nating i-accept, bakit ako andami pang tanong?
One: Eh nakita mo ba yung profile nung tao? Napaka-pokpok. Tapos, hindi pa pala kayo close, in-invite mo pa. Anong iisipin ko, di ba? It's either me past kayo or what. Hindi mo ako masisisi, kasi andami mong kausap nun sa chat. Me bi-bacolod ka pa. Hindi ba sya yung ka-chat mo non?
Two: Hindi, si Archie yun. Saka wala namang nangyari sa amin nun. Si M yata, naging sila ni Kenji. Dati, nagpasama lang sya sa akin until 4 am...
One: Tapos?
Two: Wala lang, wala naman kaming ginawa?
One: Am I gonna believe that? Gwapo kamo sya, magkasama kayo the whole night, tapos walang mangyayari?
Two: Wala nga. Saka hindi ko gusto yun... Di ba nga ipinagkalat namin na me STD sya.
One: Paano mo nalaman?
Two: Kasi naghubad sya...
One: Noong magkasama kayo? Tapos walang nangyari?
Two: Oo naman, kasi marami syang rashes nun sa katawan. Me sakit nga sya di ba?
One: So kung wala pala siyang rashes sa katawan, me nangyari na sa inyo?
Two: Ano ka ba?
One: No, sinusundan ko lang yung logic.
Two: You know what? Punong-puno na ako sa ganito. Last night lang, nag-away na tayo, tapos ngayon, nagsisimula ka na naman..
One: Hindi ako nagsisimula ng away, im just asking kung sino yon. So napupuno ka na?
Two: Ang buhangin, kapag hinigpitan mo ng hawak, pilit matatapon...
One: So ano ngayon balak mo? Eh ako nga eh, hindi napipikon at all, or naba-badtrip. Kasi nga Im just asking who he is.
Two: Wala, nakakainit kasi ng ulo. Sino bang matutuwa sa ganyan?
One: Bakit ka napipikon, kung wala ka naman kamong itinatago?
Two: Ay naku...
One: Wala naman akong sinasabing masama di ba? It's all part of the questioning.

(Silence.)